Inaasahang aabot sa 2.55 million ang mga pasaherong dadagsa sa Ninoy Aquino International Airport ngayong holiday season, mula December 20, 2025 hanggang January 5, 2026.
Ayon sa New NAIA Infra Corporation o NNIC, ang pribadong kumpanya na nagpapatakbo ngayon ng airport, mas mataas ito ng 5% kumpara nung isang taon.
Tinatayang 13,700 flights ang hahawakan ng NAIA, kung saan sa Terminal 3 ang may pinakamalaking pagtaas.
Noong Sabado, December 20, naitala ang pinakamataas na bilang ng pasahero sa kasaysayan ng NAIA, kung saan 171,306 na pasahero at 950 flight movements ang na-process. Karamihan dito ay dumaan sa Terminal 3, na may higit 90,000 na pasahero.
Ayon sa NNIC, patuloy na lumalagpas sa kapasidad ng disenyo ang operasyon ng NAIA dahil sa matinding holiday traffic.
Ang Terminal 3 ang pinakamalaki at pinaka-busy, na naglilingkod sa parehong domestic at international flights.
Ang Terminal 1 naman ay nakatuon sa international flights, kabilang ang Philippine Airlines, habang ang Terminal 2 ay eksklusibo sa domestic flights.
Bago isinara, ang Terminal 4 ay nagsilbi sa short-haul domestic flights ng mas maliliit na airlines.
Ayon sa NNIC, nakatulong ang mga operational at facility upgrades simula nang sila ang namamahala sa NAIA higit isang taon na ang nakalipas. | via Allan Ortega
