High-value target sa ilegal na droga nahuli sa buy-bust operation sa Santiago City

Bandang 3:50 ng hapon noong Hunyo 30, 2025, sinabak ng PDEA RO2 Quirino Provincial Office, kasama ang Santiago City Police Station 4 at SCPO-CIU, ang isang joint entrapment operation sa Purok 4, Barangay Naggasican, Santiago City.

Nahuli ang suspek na si alias “Aldo”, taga-Barangay San Andres, Santiago City. Isa siyang itinuturing na high-value target sa drug watchlist.

Nasamsam mula sa kanya ang tinatayang 600 gramo ng tuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱8,000, isang Techno 30 na cellphone, at buy-bust money.

Si Aldo ay kakasuhan sa ilalim ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | via Allan Ortega | Photo via PDEA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *