High-value drug suspect, Timbog sa P680K Buy-Bust sa Pangasinan

Nahuli sa isang buy-bust operation sa Urdaneta City, Pangasinan ang isang high-value drug suspect na si Jimmy Andres Pablo, 51, matapos mahulihan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P680,000.
Ayon sa PDEA, nakumpiska rin ang isang improvised shotgun, apat na bala, isang motorsiklo, cellphone, drug paraphernalia, at buy-bust money.
Kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) at RA 10591 (Illegal Possession of Firearms) ang kinakaharap ng suspek, na kasalukuyang nakakulong sa PDEA Pangasinan. – via Allan Ortega | Photo via PDEA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *