Henry Alcantara, naospital dahil sa pananakit ng dibdib

Dinala sa isang ospital sa Pasay City nitong Lunes si dismissed Bulacan First District Engineer Henry Alcantara matapos makaramdam ng pananakit sa dibdib, ayon kay Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca.

Isa si Alcantara sa mga opisyal ng DPWH na iniimbestigahan kaugnay ng kontrobersyal na ghost flood control projects sa Bulacan.


Sinuri siya sa Pasay Medical Center gamit ang ECG at iba pang tests, ngunit lumabas na muscle spasm lang ang dahilan.

Ayon kay Aplasca, ibinalik din si Alcantara sa Senado sa parehong araw at maayos na ang kalagayan niya.

Patuloy naman ang regular check-up ng Senate medical team sa lahat ng mga detainee.


Matatandaang noong Setyembre 18, ikinulong sa contempt si Alcantara ng Senate Blue Ribbon Committee dahil umano sa pagsisinungaling sa imbestigasyon. Kasama niya sina dating engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza, na humiling na sana ay payagan silang ma-house arrest ngunit wala pang desisyon ang komite sa hiling na ito. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *