Health Sec. Herbosa, pabor sa panukala ni Sen. Tulfo na gamitin ang MAIFP fund para sa gamot at medical equipment

Ipinahayag ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang kanyang suporta sa mungkahi ni Senador Erwin Tulfo na gamitin ang pondo ng Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFP) para bumili ng gamot at medical devices para sa mga pasyente. Ayon kay Herbosa, ito ay magandang panukala na makatutulong sa agarang pagbibigay ng tulong.

Nagmula ang mungkahi ni Tulfo matapos iulat na ilang pribadong ospital sa Batangas ang tumigil sa pagtanggap ng guarantee letters mula sa DOH dahil sa hindi nababayarang claims. Nilinaw naman ni Herbosa na may pondo pa ang MAIFP, at kadalasan ang problema ay nasa kulang na dokumentasyon, hindi sa budget.

Sa panukalang House Bill No. 11444 ni Tulfo, ang pondo ay direktang pamamahalaan ng DOH hindi na kailangang dumaan sa Kongreso para mas mabilis at epektibo ang paggamit sa pagbili ng gamot, gamit medikal, at gastusin ng mga ospital. | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *