Hari ng polygamy: Lolo sa Tanzania may 16 asawa at 104 na anak!

Sa isang maliit na baryo sa Njombe, Tanzania, nakatira si Mzee Ernesto Muinuchi Kapinga, isang 86-anyos na patriyarka na tila namumuno sa isang sariling bayan—may 16 na asawa, 104 na anak, at 144 na apo!
Ang kanyang pamilya ay isang well-oiled system kung saan may kanya-kanyang papel ang bawat miyembro. Pito sa kanyang misis ay magkakapatid, at napili siya dahil sa kanyang pagiging marespeto at responsable. Wala raw selosan sa kanila, at may sariling bahay at kusina ang bawat isa.
Para masuportahan ang napakalaking pamilya, nagtatanim sila ng mais, beans, kamote, at saging, pati na rin nag-aalaga ng hayop—isang self-sustaining community! Inamin ni Mzee na minsan ay nakakalimutan niya ang pangalan ng ilang anak at apo, pero nananatili siyang tagapagpatnubay.
Ang sikreto niya? “This family runs because of the women. I am only here to guide them.” – via Allan Ortega | Photo via Afrimax

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *