Nagpaalala si Representative Marissa Magsino sa mga overseas voters, partikular sa mga OFWs at seafarers, na lumahok sa kauna-unahang Overseas Internet Voting sa darating na halalan. Binibigyang-diin niya ang kahalagahan ng paggamit ng kanilang karapatang bumoto upang makatulong sa bansa.
Ayon kay Magsino, pinaglaban nila kasama ang COMELEC ang internet voting upang matulungan ang mga OFWs na nahihirapang bumoto dahil sa distansya ng polling places. Handa na ang mekanismo para rito sa 77 foreign posts, at maaaring bumoto gamit ang tablet, laptop, o mobile phone.
📌 Pre-voting enrollment: March 10 – May 7, 2025
📌 Voting period: April 23 – May 12, 2025
Noong 2022, tanging 35.5% lang ng rehistradong overseas voters ang nakaboto. Umaasa ang COMELEC na mas maraming Pilipino abroad ang makikilahok sa makasaysayang pagbabagong ito. – via Allan Ortega
Handa ka na ba sa kauna-unahang internet voting?
