Hamong talakayan ni Sen. Marcoleta, hindi tinanggap ni Tarriela; Carpio, hindi umurong

Ikagagalak umano ni Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na makipagtalakayan kay Sen. Rodante Marcoleta, pero hindi tungkol sa ating mga inaangking teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon kay Tarriela, ang territorial integrity at ating mga legal entitlement sa WPS ay hindi subject for public debate o negosasyon.

Paalala niya sa senador na tungkulin niyang ipagtanggol at itaguyod ang mga karapatan at claims na ito.

Ang pagbukas umano ni Marcoleta ng usapin sa isang debate ay taliwas sa kanyang sinumpaang tungkulin na suportahan ang Konstitusyon at mga batas nito.

Samantala, malugod namang tinanggap ni dating Associate Justice Antonio Carpio ang hamong balitaktakan ni Marcoleta tungkol sa WPS.

Matatandaang friendly debate muna ang nais ni Marcoleta laban kina Commodore Tarriela, dating Associate Justice Carpio, at UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Director Jay Batongbacal.

Samantala, nananatili umanong bukas ang alok ni Tarriela na sumama sa isang Maritime Domain Awareness flight sa Kalayaan Island Group ang senador. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *