Hamon ni PBBM kay Zaldy Co: “Bumalik ka sa Pilipinas, haharapin ko ang mga paratang mo laban sa akin.”

Itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong paratang ni dating mambabatas Zaldy Co laban sa kanya at hinamon ito na bumalik sa bansa at patunayan ang kanyang mga sinasabi nang personal.


“Wala itong kahulugan,” sabi ni Marcos sa isang press briefing nitong Lunes. “Para maging may kabuluhan, dapat siyang umuwi at harapin ang kanyang mga kaso.”


“Kung may sasabihin siya, sabihin niya at patunayan. Pero umuwi siya,” dagdag pa ng Pangulo.


“Bakit ka nagtatago sa malayo? Hindi ako nagtatago. Kung may paratang ka laban sa akin, nandito lang ako,” ani Marcos.


Ayon sa isang video na inilabas ni Co, naghatid siya ng P56.4 bilyon na nakatago sa maleta mula 2022 hanggang 2025 sa mga tahanan nina Marcos at ng kanyang pinsan na si dating House Speaker Martin Romualdez.

Dalawang beses umano siyang naghatid ng pera para kay Marcos noong Disyembre 2024 sa pamamagitan ni Justice Undersecretary Jojo Cadiz.


Mariing itinanggi ni Marcos ang pagtanggap ng ganoong pera mula kay Co. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *