Halos 90% na ng mga operator ng public utility vehicles sa buong bansa ay nakapag-consolidate na sa ilalim ng Public Transport Modernization Program (PTMP), ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza II, ibinabalik na ng ahensya ang limang-taong prangkisa sa mga transport group na matagumpay na nakapag-consolidate.
Kapag naaprubahan na ang kanilang consolidation, awtomatikong ibinibigay muli ang prangkisa.
Ang mga hindi pa consolidated na operator ay pinapayagan pa ring bumiyahe sa ilang ruta, habang hinihintay ang pag-apruba ng kanilang consolidation.
Batay sa ulat ng mga regional office ng LTFRB, malapit na sa 90 porsiyento ang antas ng consolidation ng mga PUV operator.
Giit niya, tuloy-tuloy ang PTMP at walang planong umatras ang pamahalaan sa programa.
Samantala, tinitingnan din ng LTFRB ang paggamit ng GPS technology upang mas mapabuti ang serbisyo sa mga commuter.
Dahil may GPS na ang mga modern jeepney, maaari itong gamitin para sa mas eksaktong oras ng dating at alis, at para mas maayos na makapag-adjust sa trapiko. | via Allan Ortega
