Aabot sa 12% ng kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa ang nakuha sa ‘transactional’ sex, ayon sa Department of Health (DOH).
Batay sa datos ng HIV and AIDS surveillance ng ahensya, sa unang quarter ng taon ay nakapagtala ng 596 sa kaso ng sakit na nakuha sa paid sex.
Sa bilang na ito, 249 ang nagbayad para makipagtalik habang 239 naman ang nagpapabayad.
108 naman ang parehong tumatanggap ng bayad o nagbabayad kapalit ng pakikipagtalik.
Ayon sa DOH, 16,586 kaso na ng HIV ang naitala dulot ng transactional sex mula pa noong December 2012. | via Alegria Galimba
#D8TVNews #D8TV