Halos 300,000 deboto, dumalo sa prusisyon at unang misa para sa pista ng Sto. Niño de Cebu

Puno ng libo-libong deboto ang Osmeña Boulevard sa Cebu City para sa prusisyon at panimula ng Novena masses para sa kapistahan ng Santo Niño ng Cebu.

Tinatayang 240,000 ang dumalo mula 4 a.m. hanggang 5:30 a.m., at posibleng umabot sa 300,000 ang dumalo sa opening salvo mass.

Ayon sa Cebu City Police, mas marami ang dumalo ngayong taon dahil sa mas magandang panahon.

Naglakad ng higit dalawang kilometro ang mga deboto na nagdasal para sa kalusugan, kaligtasan mula sa sakuna, at kapayapaan.

Inabot ng isang oras bago nakarating ang Carroza ng Santo Niño sa Basilica Minore del Santo Niño.

Magpapatuloy ang mga misa kada oras na may 30 minutong pagitan, at inaasahan ng mga Augustinian Friars na aabot sa milyon ang dadalo, lalo na sa solemn foot procession sa Sabado.

Ang kapistahan ng Santo Niño ng Cebu ay isa sa pinakabinibisitang pista sa bansa, dahil ito ang pinakamatandang imahen ng Batang Hesus na dumating noon pang 1521. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *