Halos ₱1.5-M halaga ng illegal drugs, nasamsam ng PRO 12 sa loob ng 1 linggo

Pinaigting pa ng Police Regional Office 12 ang kanilang hakbang laban sa illegal na droga sa rehiyon alinsunod sa PNP Focused Agenda.

Ito’y matapos na makapag tala ng ₱1,479,220 na halaga ng nakumpiskang illegal na droga sa kanilang isang linggong operasyon.

Ayon kay PRO 12 Regional Director, Brig. Gen. Arnold Adiente, nagsimula ang operasyon nitong Pebrero 20, 2026 sa isang oplan sita sa Barangay Bula kung saan naharang ang isang motorsiklo makaraaang mangtangkang tumakas sa otoridad dahil sa hindi pagsusuot ng helmet. Nang inspeksyunin ng pulisya ang motor, tumambad dito ang 50 grams ng shabu na nagkakahalaga ng ₱340,000.

Sumunod naman dito ang isang buy bust operation laban sa isang high value indibidual kung saan nasabat sa rito ang 26 grams ng shabu na nagkakahalaga mg ₱176,800.

Nagsagawa naman ng follow up operation ang pulisya katuwang ang Bureau of Customs kung saan natuklasan ang mga ipinagbabawal na sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱769,500.

Habang ang pinakahuli naman ay isinagawa sa bisa ng search warrant sa Sto. Niño, South Cotabato kung saan nasamsam ang 24.4 gramo ng shabu na nagkakahalaga naman ng ₱165,920.

Sa isang pahayag, binigyang diin ni BGen. Ardiente, ang kahalagahan ng mahigpit na ugnayan ng pulisya sa mga local na pamahalaan at iba pang law enforcement agency upang masawata at mabuwag ang mga grupo na gumagawa ng krimen sa rehiyon. I via Allen Ibañez, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *