Half-day ngayong Holy Wednesday para sa mga gov’t employees inanunsyo ng Malacañang

Pormal nang inanunsyo ng Malacañang na magsususpinde ng trabaho ang mga tanggapan ng pamahalaan, alinsunod sa inilabas na Memorandum Circular No. 81. Sa ilalim ng kautusan, papayagan ang mga kawani ng gobyerno na magtrabaho sa bahay mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali lamang.

Layunin nito na bigyang pagkakataon ang mga empleyado ng gobyerno na makapaghanda sa paggunita ng Mahal na Araw at makauwi sa kanilang mga probinsya o makasama ang pamilya para sa Semana Santa.

Ayon sa memo, “ang half-day na trabaho ay ipatutupad para maibsan ang daloy ng trapiko at mapadali ang biyahe ng mga mamamayan sa mga lalawigan.” Gayunpaman, ang mga ahensya na may kinalaman sa essential services tulad ng kalusugan, seguridad, disaster response, at iba pang frontline services ay hindi saklaw ng suspension at kailangang magpatuloy sa kanilang operasyon ayon sa regular na schedule.

Ang mga pribadong kumpanya naman ay hinihikayat, pero hindi obligado, na sundan ang parehong work-from-home arrangement o magpatupad ng kanilang sariling guidelines base sa kanilang operational needs. Ang kautusang ito ay bahagi ng mas malawak na inisyatiba ng gobyerno para maisulong ang maayos, ligtas, at makabuluhang paggunita ng Semana Santa sa buong bansa. | via Dann Miranda | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *