Nakumpiska ang mahigit P4 Million na halaga ng marijuana at naaresto ang isang street-level drug suspect sa anti-illegal drugs operation sa Barangay Tawin-tawin, General Luna, Surigao del Norte noong Biyernes ng gabi, September 05, 2025.
Sinabi ni Surigao del Norte Police Provincial Office Director Col. Warren Dablo noong Sabado, September 06, 2025, na ang suspek na si alias “May” 29 years old na residente ng Barangay Poblacion, ay nagsuko ng 14 na transparent plastic sachets na may lamang marijuana at aabot sa halagang P4,375,000.
Ang joint operation na ito ay isinagawa ng mga drug operatives ng General Luna Municipal Police Station at mga miyembro ng PDEA Siargao Interdiction Unit.
Ang suspek na si alias “May” at ang mga nakumpiskang mga illegal items ay nasa ilalim na ng kustodiya ng General Luna Municipal Police Station. Nahaharap ang suspek sa kaso na pumapailalim sa RA 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act. | via Kai Diamante, D8TV News | Photo via Surigao del Norte Provincial Office
#D8TVNews #D8TV
