Habagat magpapaulan sa ilang rehiyon; LPA binabantayan sa labas ng PAR

Ayon sa PAGASA ngayong Martes, asahan ang mga kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa mga sumusunod na lugar dahil sa umiiral na southwest monsoon o habagat sa Western Visayas, Negros Island Region, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Davao Region, Occidental Mindoro, Romblon, Palawan at Southern Leyte.

Maaaring magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa ang katamtaman hanggang malakas na ulan.
Samantala, ang ibang bahagi ng bansa ay makararanas ng isolated rain showers o thunderstorms dulot pa rin ng habagat.

Sa Extreme Northern Luzon inaasahan ang katamtamang hangin at katamtamang pag-alon ng dagat.
Sa natitira pang bahagi ng bansa banayad hanggang katamtamang hangin at bahagyang pag-alon.

Binabantayan din ng PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA) na nasa 1,925 km silangan hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon (labas ng PAR). Ayon kay PAGASA forecaster Obet Badrina, hindi ito inaasahang papasok ng PAR. | via Allan Ortega | Photo via DOST-PAGASA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *