Sa nalalabing bahagi ng Mindanao, asahan ang bahagya hanggang sa maulap na kalangitan, na may mataas na tsansa ng ulan at pagkidlat-pagkulog na maaaring tumagal ng isa hanggang dalawang oras.
Samantala, may binabantayang low-pressure area o LPA sa labas ng Philippine Area of Responsibility, ayon kay Estareja ng PAGASA. Wala pa namang posibilidad na ito’y maging bagyo ngayong Biyernes o Sabado.
Ang huling tala ng LPA ay nasa 1,685 kilometro silangan ng Southeastern Luzon. May dalawang posibleng senaryo: una, dahan-dahang papasok ito sa PAR ngayong weekend; o kaya nama’y magkaroon ng bagong LPA sa Silangang Luzon na posibleng makaapekto o mag-merge sa kasalukuyang LPA.
Paliwanag ni Estareja, posibleng may bagong sama ng panahon tayong mino-monitor sa susunod na linggo, at hihila ito sa habagat—dahilan ng mga inaasahang malalakas na pag-ulan sa mga darating na araw. | via Allan Ortega | Photo via DOST-Pagasa
#D8TVNews #D8TV