Habagat magdadala ng ulan sa buong Pilipinas

Magdadala ng ulan sa karamihan ng bahagi ng bansa ang umiiral na southwest monsoon o habagat, ayon sa PAGASA nitong Huwebes.

Sa bulletin nito na inilabas alas-4 ng madaling-araw, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na magkakaroon ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Metro Manila, Ilocos Region, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Zambales, Bataan, Pampanga, Tarlac, Bulacan, at Davao Oriental.

Babala ng PAGASA, ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa mga lugar na ito ay maaaring magdulot ng flash floods o landslides.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay makakaranas ng pulu-pulong pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Samantala, katamtamang hangin at alon ang inaasahan sa Luzon, habang sa ibang panig ng bansa ay mahina hanggang katamtaman ang hangin at bahagya hanggang katamtaman ang taas ng alon. | via Allan Ortega | Photo via DOST-Pagasa

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *