Asahan ang ulan ngayon Lunes. ayon sa PAGASA magdadala ng malalakas na ulan ang habagat (southwest monsoon) ngayong araw sa Ilocos Region, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, at Bataan.
Hindi rin ligtas ang Metro Manila, Cordillera, Cavite, Batangas, Palawan, Occidental Mindoro, at buong Central Luzon — posibleng makaranas ng kalat-kalat na ulan at kulog-kidlat.
Babala: Posibleng magkaroon ng baha at landslide dahil sa moderate to heavy rains!
Sa ibang bahagi ng Luzon, paulan-ulan din dahil sa habagat. Sa Visayas at Mindanao, asahan ang paminsan-minsang thunderstorm. Pero wala pa namang binabantayang bagyo o LPA
Sa extreme northern Luzon, aasahan ang malalakas na hangin at maalon na dagat. Sa iba, katamtamang hangin at alon lang.
Pero kahit may ulan, mainit pa rin, heat index sa Isabela 46°C, 45°C naman sa Tuguegarao at Dipolog. Kaya mag-ingat pa rin sa init kahit maulan! | via Lorencris Siarez | Photo via PNA/Joan Bondoc
#D8TVNews #D8TV