Gusto ng mga senador na palitan ang pangalan ng DOJ bilang Office of the Chief State Counsel

Isinusulong ng Senado ang pagpapalit ng pangalan ng Department of Justice (DOJ) patungong Office of the Chief State Counsel (OCSC) sa ilalim ng panukalang Senate Bill 2987, na inihain nina Senador Francis Tolentino at Koko Pimentel bilang kapalit ng SBs 2623 at 2732.
Sa ilalim ng panukala, ang Legal Staff ng DOJ na nilikha sa ilalim ng Republic Act 2705 (na inamyendahan ng RA 4152) ay magiging Office of the Chief State Counsel. Mananatili ito sa ilalim ng pangangasiwa ng Secretary of Justice at magkakaroon ng mahahalagang tungkulin tulad ng:
✅ Pagbibigay ng legal na opinyon sa mga ahensya ng gobyerno
✅ Pangunguna sa negosasyon sa mga kasunduang pandaigdig tulad ng extradition at mutual legal assistance
✅ Pagsusuri sa mga deportation case at pagkilala sa mga Pilipino sa Bureau of Immigration
✅ Pagrerepaso sa legalidad ng mga ordinansa sa buwis at revenue measures
✅ Pagtulong sa mga kasong may kaugnayan sa foreign loans at domestic borrowings
Magkakaroon ang OCSC ng pitong dibisyon, bawat isa’y pangungunahan ng isang Deputy Chief State Counsel at hindi bababa sa sampung State Counsels.
Samantala, ang pondong kakailanganin para sa pagpapatupad ng panukalang ito ay kukunin mula sa kasalukuyang budget ng DOJ at isasama sa taunang General Appropriations Act. | via Allan Ortega | Photo via thepost.net.ph

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *