GSIS at Pag-IBIG Fund, pinalawig ang aplikasyon para sa calamity loan hanggang Pebrero 2026

Pinalawig ng Pag-IBIG Fund at GSIS ang pagtanggap ng calamity loan applications matapos ideklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang state of national calamity dahil sa sunod-sunod na sama ng panahon.


Ayon kay Nelson Ibarra ng Pag-IBIG Legazpi, tatanggap sila ng aplikasyon hanggang Pebrero 2026 at magpapatupad ng flexible service arrangements.

Sa ilalim ng state of calamity, 5.95% lang ang interest rate at puwedeng umutang ang miyembro ng hanggang 90% ng kanilang regular savings.

Paalala niya mag-apply nang maaga at huwag hintayin ang deadline.


Para makapag-apply, dapat ay active contributor, may 12 monthly savings, walang defaulted loan, at nakatira o nagtatrabaho sa lugar na nasa state of calamity.

Maaari ding mag-apply online gamit ang cellphone.


Samantala, sinabi ni Eugene Virgo ng GSIS-Legazpi na may emergency/calamity loan din ang GSIS na hanggang ₱20,000, walang service fee, at may 6% interest yearly.

Pwede ring mag-reborrow ang may existing loan at may 3-month grace period na walang bayad, interes o penalty.


Layunin ng mga programa na mabigyan ng mabilis at abot-kayang tulong pinansyal ang mga apektadong miyembro, lalo na para sa pag-ayos ng bahay at agarang pangangailangan. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *