Dalawang bagong opisyal ng gabinete ang nanumpa sa tungkulin nitong Lunes — si Dave Gomez bilang kalihim ng Presidential Communications Office (PCO) at si Sharon Garin bilang kalihim ng Department of Energy (DOE).
Kapwa nanumpa ang mga opisyal sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang.
Si Dave Gomez ang ikalimang pinuno ng PCO at dating reporter sa palasyo, samantalang si Sharon Garin ay nagsilbing officer-in-charge ng DOE matapos ilipat si Rafael Lotilla sa Department of Environment and Natural Resources noong Mayo. | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV