Matipid pero malaman ang sagot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos “pasalamatan” ni VP Sara Duterte sa di tuwirang paraan sa pag-aayos ng relasyon nila ng kanyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Si VP Sara ay nasa The Hague, Netherlands, kung saan nakakulong ang kanyang ama sa ilalim ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng war on drugs noong siya’y alkalde ng Davao at pangulo ng bansa.
Ayon kay Malacañang Press Officer Claire Castro, nang malaman ni Marcos ang pasaring ni Sara, sagot lang nito: “Glad I could help.”
Pero banat ni Castro, mas dapat munang pasalamatan ni Sara ang kanyang ama dahil kung hindi sa kasong EJK laban dito, wala sanang muling pagkikita sa The Hague.
“Kung walang reklamo sa war on drugs, wala rin sanang dahilan para pumunta sila sa The Hague,” dagdag ni Castro. | via Lorencris Siarez | Photo via rtvn
#D8TVNews #D8TV