Ginebra nakaligtas laban sa TNT sa PBA Finals Game 2

Barangay Ginebra pinahirapan pero nanaig sa dikdikang laban kontra TNT, 71-70, sa Game 2 ng PBA Commissioner’s Cup Finals sa MOA Arena, Linggo ng gabi.
Bitbit ang 35 puntos ni Justin Brownlee—halos kalahati ng opensa ng Ginebra—naitabla nila ang serye sa 1-1 matapos ang matinding depensa at sablayang tira mula sa parehong koponan.
Matapos mamigay ng 13-point lead sa first half at mahulog sa 70-67 sa huling segundo, sinelyuhan ng Gin Kings ang panalo sa clutch shots ni Brownlee at matibay na depensa kay Rondae Hollis-Jefferson, na nalimitahan sa 6-of-23 shooting.
Scottie Thompson nag-ambag ng 16 puntos, 12 rebounds, at 7 assists, pero muntik pang magkamali sa crucial play. Buti na lang, dumoble ang depensa kay Hollis-Jefferson sa huling segundo at hindi na nakatira ang TNT.
TNT bagsak sa shooting, nagtala ng record-low 4 points sa second quarter at 19 sa halftime. Sa sobrang frustration, Poy Erram napikon at sinipa ang gamit ng Tropang Giga sa dugout!
Game 3, asahan na mas magiging mainit ang bakbakan sa Philsports Arena! | via Lorencris Siarez | Photo via PBA Media

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *