Isang matinding third-quarter run ang nagpa-arangkada sa Barangay Ginebra para masilat ang TNT at mapalapit sa titulo ng PBA Commissioner’s Cup!
Pinangunahan nina Justin Brownlee at Scottie Thompson ang pambihirang pagbawi ng Gin Kings, tinalo ang Tropang Giga sa Game 5, 73-66, at hawak na ngayon ang 3-2 lead sa serye.
Kahit may injury sa hinlalaki, bumanat si Brownlee ng 16 sa kanyang 18 puntos sa second half, lalo na sa third quarter kung saan binura nila ang 10-point lead ng TNT sa pamamagitan ng 22-11 run.
Sa huling apat na minuto, tuluyang napigilan ng matibay na depensa ng Ginebra ang TNT, dahilan upang siguruhin ang panalo sa harap ng 12,447 fans sa Smart Araneta Coliseum.
Nagpakitang-gilas din si Thompson na may 16 points, 10 rebounds, 5 assists, at 2 steals, habang nag-ambag sina Maverick Ahanmisi, Stephen Holt, at Jamie Malonzo.
“Kailangan naming mag-step up dahil nahihirapan si Justin,” ani coach Tim Cone.
Abangan kung tatapusin na ng Ginebra ang serye sa Game 6 sa Miyerkules! | via Lorencris Siarez | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV