Gilas tinalo ang Macau sa send-off game bago ang FIBA Asia Cup

Naiwan ng hanggang 21 puntos sa second quarter, biglang nagising ang Gilas sa third quarter sa pamamagitan ng 33-point explosion na halos nakatabla sa Macau. Sa fourth quarter, lumamang ang Gilas 93-85, pero sinundan ito ng 7-0 run ng Macau para gawing 93-92.

Dito pumasok sina Chris Newsome at Justin Brownlee na tumira ng magkasunod na jumpers, habang si AJ Edu ang nagselyo ng panalo sa pamamagitan ng slam dunk sa huling 41 segundo.

Bida si Brownlee na bagong balik mula sa injury nagpakitang gilas agad with 32 points, 15 rebounds, at all-around stats. Si Dwight Ramos naman ay may 19 points.

Hindi naglaro sina Fajardo, Oftana, at Rosario matapos ang PBA finals, pero si CJ Perez naglaro at nagsimula ng third-quarter rally.

Patungong Jeddah ang Gilas ngayong Miyerkules para sa FIBA Asia Cup. | via Allan Ortega

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *