Hindi bababa sa 14 ang nasawi at dose-dosenang sugatan matapos sumiklab ang marahas na kilos-protesta sa Kathmandu, Nepal.
Nagsimula ang tensyon nang lusubin ng mga raliyista ang gusali ng parliament, bilang pagtutol sa pagbabawal ng gobyerno sa 26 social media platforms kabilang ang Facebook, X at YouTube.
Dito na gumamit ng baril, tear gas at water cannons ang mga pulis para pigilan ang pag-atake.
Sa sobrang init ng tensyon, napilitang magtago ang mga pulis sa loob ng parliament compound. Agad ding nagpatupad ng curfew sa paligid ng parliament at presidential house upang kumalma ang kaguluhan.
Tinawag ng awtoridad ang kilos-protesta na “Gen Z rally,” dahil karamihan sa mga lumahok ay kabataan. Nabatid na ban ay bunsod ng hindi pagsunod ng maraming social media companies sa requirement na magparehistro sa pamahalaan.
Habang nananatiling bukas ang TikTok at Viber, mariin namang iginiit ng mga human rights group ang panukalang batas na kontrolin ang social media. | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photo Screengrab from Reuters/Youtube
#D8TVNews #D8TV
