Dapat umanong kabahan ang mga senador at pulitikong isinasantabi ang boses ng kabataan kung hindi uusad ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, ayon kay dating Cabinet Secretary at political analyst Ronald Llamas.
Sa panayam ni political scientist at kolumnistang si Richard Heydarian sa programang Pilipinas 360, sinabi ni Llamas na ang mga Gen Z at millennials ang bagong pwersa sa civil society at maaaring magpataw ng pananagutan sa mga lider sa mga darating na halalan.
“Hindi pa nila nafa-factor in ang Gen Z at millennials bilang bahagi ng bagong civil society,” ani Llamas. Binigyang-diin niya na sa nakaraang eleksyon, tinatayang 23% hanggang 24% ng mga botante ay tinaguriang “soft voters” mga hindi matibay ang paninindigan sa isang kandidato, ngunit maaaring magdesisyon batay sa isyu. Ito rin umano ang dahilan kung bakit nagtagumpay sina Senate-elect Bam Aquino at Kiko Pangilinan.
Nagbabala rin si Heydarian na kung walang mananagot sa mga institusyon ng pamahalaan, maaaring humantong ito sa malawakang protesta, politikal na kaguluhan, o mas matinding political disengagement ang pagtalikod ng publiko sa politika. Ayon pa kay Llamas, kung mabibigo ang mga institusyon na ibigay ang hinihinging katarungan at pananagutan, maaari itong maisalin sa boto ng taumbayan sa 2028. | via Dann Miranda | Photo Screengrab from Richard Heydarian (Deep Dive) YT
#D8TVNews #D8TV
