Gatchalian, target ng 2026 budget signing sa December 29

Ang mungkahing P6.793-trilyong pambansang badyet para sa 2026 ay maaaring maipasa kay Pangulong Bongbong Marcos para pirmahan pagsapit ng Disyembre 9, 2025, ayon kay Senator Sherwin Gatchalian.

Sinabi ni Gatchalian, pinuno ng Senate Committee on Finance, na magsisimula ang period of interpellations ng badyet sa Martes, Disyembre 2. Ang second-reading approval naman ay nakatakda sa Miyerkules, Disyembre 3.

Pagkatapos nito, bibigyan ang mga senador ng limang araw upang suriin ang malinis na kopya bago ang third and final reading sa Disyembre 9.

Nilinaw ng senador na dati, lahat ng pagbabago at pagbasa ay ginagawa sa iisang araw kaya walang sapat na oras ang mga miyembro para pag-aralan ang amendments. Sa bagong proseso, magkakaroon sila ng oras para suriin ang mga ito.

Inaasahan ding mapipirmahan ang bicameral report pagsapit ng Disyembre 16, at ang tentative signing ng badyet sa Disyembre 29.

Sinabi rin niya na ila-livestream ang bicameral hearings mula sa isang hindi pa tukoy na venue sa Intramuros, Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *