Galit si Tolentino sa mga reckless maneuvers ng CCG sa Panatag Shoal

Pinuna ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang “walang ingat at mapanganib” na aksyon ng isang Chinese Coast Guard (CCG) na muntik makabangga ng isang Philippine patrol ship sa mga pinag-aagawang karagatang malapit sa Panatag (Scarborough) Shoal nitong Linggo. Ayon kay Tolentino, malinaw na paglabag ito sa international law at isang insulto sa soberanya ng Pilipinas.
Sa kanyang pahayag, iginiit ni Tolentino na ang Panatag Shoal ay bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas, ayon sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration noong 2016. Binanggit din niya ang Philippine Maritime Zones Act (Republic Act No. 12064) na nagtatakda ng mga hangganan ng teritoryo ng Pilipinas sa dagat.
Dahil dito, binanggit ni Tolentino na ang mga ganitong agresibong aksyon ay hindi lamang naglalagay sa panganib ng buhay ng ating mga sundalong pandagat, kundi isang tahasang paglabag sa karapatan ng Pilipinas sa ilalim ng international law.
Nagbigay din siya ng babala tungkol sa isang insidente ng isang Chinese research vessel malapit sa Batanes, na tumukoy sa patuloy na pagpapakita ng lakas ng Beijing at ang banta nito sa seguridad ng rehiyon. | via Allan Ortega | Photo via Philippine Coast Guard

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *