Nanumpa bilang auxiliary rear admiral ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Larry Gadon.
Pinangunahan ni Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan Oath-Taking sa PCG Headquarters sa Port Area, Maynila. Pinuri ni Gavan ang mga bagong auxiliary officers dahil sa kanilang dedikasyon sa pagpapaunlad ng maritime sector at pagpapatatag ng coastal communities.
Ayon kay Gadon, magsisilbi itong bagong daan upang maihatid ang mga programa ng gobyerno sa mga komunidad na madalas nakaliligtaan, higit lalo na sa mga baybaying lugar.
Sa pagpasok ni Gadon sa PCGA, asahan umano ang mas matibay na kooperasyon sa pagitan ng gobyerno at ng mga uniformed service para sa tunay na pag-angat ng mga Pilipino mula sa kahirapan. | via Ghazi Sarip
