G-Dragon pupunta sa Pinas

Inilabas na ni G-Dragon ang mga lugar kung saan siya magco-concert at kabilang dito ang Pilipinas, ito ay bahagi ng kanyang “Übermensch” World Tour.
Magsisimula ang kanyang world tour sa Tokyo sa May 10 at 11, masusundan naman ito ng paglipad niya sa Pilipinas para magconcert sa Philippine Arena sa Bulacan. Ayon sa management na naglabas ng anunsyo about sa world tour abangan pa ng mga fans ang mga susunod na mga detalye.
Si G-Dragon ay dating miyembro ng K-Pop boy band na BIGBANG, ang “Übermensch” ay ang kanyang pangatlong studio album. Ang huling studio album na kanyang na-release ay may title na “Coup d’Etat” at ito ay narelease noong 2013, siya naman ay naglabas ng mga bagong kanta nung nakaraang taon na may title na “Home Sweet Home” at “Power”. | Photo via G-Dragon Facebook Page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *