Fung-Wong, patuloy na lumalakas; inaasahang papasok ng PAR ngayong gabi

Patuloy na lumalakas ang Severe Tropical Storm Fung-Wong habang kumikilos sa Philippine Sea, hilagang-silangan ng Palau, ayon sa PAGASA nitong Biyernes, November 7.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,315 kilometro silangan ng Eastern Visayas, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 100 km/h at bugso hanggang 125 km/h.

Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 km/h.

Inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo ngayong gabi o bukas ng madaling araw at papangalanang Uwan.

Posibleng mag-landfall ito sa pagitan ng katimugang bahagi ng Isabela at hilagang bahagi ng Aurora sa Linggo ng gabi o Lunes ng madaling araw.

Ayon sa PAGASA, maaaring umabot sa kategoryang super typhoon ang Fung-Wong bago tumama sa lupa.

Posibleng itaas ang Wind Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Southern Luzon, Eastern Visayas, at CARAGA ngayong hapon o gabi.

Pinapayuhan ang publiko at mga lokal na awtoridad na maging alerto sa posibleng malalakas na hangin, pagbaha, storm surge, at mapanganib na kondisyon sa karagatan simula November 9 hanggang November 11. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *