Fredderick Vida, itinalaga bilang bagong DOJ secretary

Itinalaga ang officer-in-charge ng Department of Justice (DOJ) na si Fredderick Vida bilang bagong acting secretary ng ahensya.

Ito ay matapos maitalaga si dating Secretary Jesus Crispin Remulla bilang bagong Ombudsman.

Inanunsyo ito ni Vida sa 89th anniversary celebration ng National Bureau of Investigation nitong Huwebes, November 13.

Si Vida ay nanilbihan ng tatlong termino bilang alkolde ng Mendez, Cavite noong 2013 hanggang 2022.

Matapos nito ay nagsimula siyang magsilbi sa DOJ bilang assistant secretary at kalauna’y na-promote bilang undersecretary noong 2023. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *