FPRRD, kinasuhan na ng ICC

Pormal nang kinasuhan ng International Criminal Court (ICC) prosecutors si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa umano’y extrajudicial killings.

Sa inilabas ng ICC na public redacted version, nakasaad dito 3 counts ng murder na isinampa laban sa dating Pangulo.

Kabilang dito ang crime against humanity noong siya pa ang nanunungkulan bilang alkalde ng Davao City noong 2013 hanggang 2016.

Pagpatay sa mga “high value targets” sa umano’y sindikato ng ilegal na droga sa ilalim ng kanyang administrasyon noong 2016 hanggang 2017.

Murder at attempted murder sa malilit na tulak ng illegal na droga sa barangay clearance operations noong 2016 hanggang 2018.

Ayon sa prosekusyon, sa 49 insidente laban kay Duterte ay aabot sa 78 ang naging biktima. | via Alegria Galimba, D8TV News | Photo via ICC

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *