Inihayag ng legal counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na ito makatanda ng ilang mga pangyayari, lugar at maging ang mga miyembro ng kanyang pamilya.
Si dating Pangulong Duterte ay kasalukuyang nasa International Criminal Court (ICC) detention facility sa The Hague, Netherlands matapos itong maaresto kaugnay sa ‘war on drugs’ sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Ayon kay Atty. Nicholas Kaufman, hindi na akmang litisin ang dating Pangulo dahil nawalan na ito ng kapasidad para makapag-isip nang maayos.
Dahilan para humiling sila sa ICC na ipagpaliban muna ang lahat ng pagdinig kaugnay sa kaso ng dating Pangulo.
Nauna nang ipinagpaliban ng hukuman ang nakatakdang pagdinig sa Setyembre 23 para sa confirmation of charges laban kay dating Pangulong Duterte matapos igiit ng kanyang kampo na siya ay โnot fit to stand trial.” | via Alegria Galimba, D8TV News | Photo via ICC
#D8TVNews #D8TV
