FPRRD defense team: Walang ‘smoking gun’ na direktang magtuturo kay FPRRD sa EJKs

Iginiit ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang konsepto ng “self-defense” sa pangatlong araw ng confirmation of charges hearing kaugnay ng mga patayan sa war on drugs.

Ayon sa lead counsel na si Nicholas Kaufman, “minimal” lang daw ang mga napatay at ‘yung mga armado umano ang mga target sa police operations.

Aniya, walang direktang ebidensiya na nag-utos si Duterte na pumatay.

Una nang inilahad ng prosekusyon ang mga ebidensiya umano na may laganap at sistematikong pag-patayt kaugnay sa drug war, kung saan batay sa opisyal na datos mahigit 6,000 katao ang nasawi.

Hindi pa umano kasama dito ang mga pagpatay noong alkalde pa si Duterte sa Davao City.

Binigyang-diin ni Kaufman na may mga talumpati rin ang Pangulo kung saan sinasabi niya na pumatay lamang ang pulis kung nasa panganib ang kanilang buhay.

Dagdag pa nito, walang testigo sa 49 insidente ang makapagsasabing nakatanggap sila ng direktang kill order mula kay Duterte.

Kailangan umanong patunayan ang “causal nexus” o malinaw na ugnayan ng mga pahayag ni Duterte sa mga aktwal na pagpatay para mahatulan.

Samantala, sinabi ni ICC Assistant to Counsel Atty. Kristina Conti na madaling kontrahin ng prosekusyon ang testimonya ng defense team sa closing statement.

Quote Card-GFX/ Atty. Kristina Conti (ICC Assistant to Counsel)

May animnapung araw ang ICC para magpasya kung itutuloy na sa full trial ang kasong crimes against humanity laban sa dating Pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *