Food supply ng Pinas, sapat sa gitna ng tensyon sa Mideast

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sapat ang suplay ng pagkain sa bansa sa kabila ng tumitinding tensyon sa Middle East.

Sa kanyang pagbisita sa isang distribution center sa Laguna, sinabi ng Pangulo na walang dapat ipangamba ang publiko dahil may sapat na pagkain, kahit sa pangmatagalan.

Nangako rin aniya ang mga food manufacturers na hindi muna magtataas ng presyo ng kanilang produkto hangga’t kaya, o sa loob ng isa hanggang dalawang buwan.

“Hindi kailangan mag-alala ang taumbayan…Syempre nilalapitan natin ang mga partner natin na food supplier para sa pang-araw-araw ng taumbayan. Ito, isa lamang ito, 10% pa lang ito sa kanilang stock, ibig sabihin, hindi lamang ang century, kundi ang iba’t-ibang food processors at retailers, ay talagang maayos ang stock natin” ani Marcos.

Patuloy naman umanong mino-monitor ng pamahalaan ang suplay at presyo ng pagkain, lalo na’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis dulot ng krisis sa Middle East.

Sa kabila nito, muling nagbabala ang Pangulo laban sa hoarding at tiniyak na naghahanap na rin ang gobyerno ng alternatibong mapagkukunan ng enerhiya. | via Joana Luna, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *