Focus crimes, bumaba ng halos 25% sa unang buwan ng 2026 —PNP

Bumaba ng halos 25% ang naitalang focus crimes sa buwan ng Enero ngayong taon.

Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., 2,449 na krimen ang naitala na mas mababa ng 24.32% kumpara Enero noong nakaraang taon, kung saan 3,236 na krimen ang naiulat.

Kasama sa focus crimes ang murder, homicide, physical injury, carnapping at rape.

Bukod dito, ibinida rin ni Nartatez ang pagkaka-aresto ng 7,159 na mga wanted individuals.

Maiuugnay umano ang pagbaba ng bilang ng focus crimes at pagkakaaresto sa mga wanted person sa pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad sa bansa. | via Allen Ibañez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *