Nagkaroon ng pagbaba sa 24.32% ang naitalang focus crime sa buwan ng Enero ngayong taon.
Ayon kay PNP Chief, Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., kung ikukumpara sa kaparehas na buwan noong Enero 2025 na may 3,236 na krimen ang naitala.
Bumaba sa 2,449 ang krimen na naitala ngayong Enero ng 2026.
Kung saan kasama sa focus crimes ang murder, homicide, physical injury, carnapping at rape.
Bukod dito, ibinida rin ni Nartatez ang pagkaka-aresto ng 7,159 na mga wanted person.
Kung saan, maiuugnay ang pagbaba ng bilang ng focus crime at pagka aresto sa mga wanted person dahil sa pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad sa bansa. I via Allen Ibañez D8TV News
