Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanselasyon sa lahat ng flood control projects sa susunod na taon para matiyak ang alokasyon ng mga pondo sa pamahalaan.
Sa press conference kaninang umaga, sinabi ng Pangulo na ilalaan muna ang mga pondo ng nakanselang proyekto sa mga pangunahing sektor tulad ng edukasyon, agrikultura, kalusugan, housing, infrastructure, ICT, labor at energy.
Aniya, ilalabas din ng nila ang listahan ng mga proyekto na maaaring makatanggap ng relokasyon mula sa mga programa sa pagkontrol sa baha.
Kasabay nito, ibinalik na rin sa lokal na pamahalaan ang kapangyarihan na inspeksyunin bago i-turnover ang mga isinagawang infrastructure projects sa kanilang nasasakupan para matiyak ang kalidad nito matapos itong tanggalin ng nakaraang administrasyon. | via Alegria Galimba, D8TV News
#D8TVNews #D8TV
