FLAG: Nanawagang bawiin ang desisyon ng Korte Suprema sa impeachment ni VP Sara

Nanindigan ang Free Legal Assistance Group (FLAG), ang pinakamatandang human rights lawyers network sa bansa, laban sa desisyon ng Korte Suprema na nagbasura sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon sa FLAG, delikado ang precedent ng desisyong ito at dapat muling pag-isipan.

Idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang impeachment complaints laban kay VP Sara noong July 25 dahil lumabag ito sa one-year ban ng Saligang Batas. Panawagan ng FLAG ang mas malalim na pagninilay at deliberasyon. ayon sa kanila, “sui generis” o natatangi ang impeachment process at hindi dapat i-over-judicialize.

Dagdag pa nila, valid ang mga reklamo at dapat nagsimula na ang impeachment trial sa Senado. Ang epekto ng desisyon ay binibigyang proteksyon umano ang mga impeachable officials sa sobrang higpit ng proseso.

Aksyon ng Kamara maghahain sila ng motion for reconsideration sa loob ng dalawang lingo kahit parang suntok sa buwan. Ang mga akusasyon kay VP Sara ay ang diumano’y maling paggamit ng confidential funds, bribery, graft, at pagbabanta sa Pangulo, Unang Ginang, at House Speaker. | via Allan Ortega | Photo via MSN

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *