Pinabilib ng Filipino-American singer na si Jessica Sanchez ang mga hurado at buong mundo sa pagtatanghal niya ng “Golden Hour” ni JVKE sa semi-finals ng America’s Got Talent noong Martes, September 16 (EST).
Nakatanggap si Sanchez ng sandamakmak na papuri at standing applause mula kay Simon Cowell, Sofia Vergara, at Mel B pagkatapos ng kanyang pagtatanghal. Ayon naman sa huradong si Sofia Vergara, siya ay umano’y ipinagmamalaki si Sanchez na kanyang golden buzzer noong auditions phase.
Kinumpira naman ni judge Mel B ang boses ni Sanchez sa singer na si Mariah Carey at sinabi niyang magical ang boses ni Sanchez.
Samantala, umaasa naman si Sanchez na siyam na buwan na ring buntis, na ang kanyang ipinagbubuntis na baby girl ay kakapit hanggang sa matapos ang kanyang inaabangang finals performance.
Inaabangan na ngayon ang ipapakitang gilas sa pagkanta ni Jessica Sanchez sa finals ng AGT Season 20 na gaganapin sa September 25 (Philippine Time). | via Kai Diamante
