February inflation bumilis sa 2.4% —PSA

Bumilis ang inflation sa Pilipinas noong Pebrero matapos umabot sa 2.4%, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Mas mataas ito kumpara sa 2.0% noong Enero at ito na ang pinakamataas na naitala sa loob ng 13 buwan.

Dahil dito, umabot sa 2.2% ang average inflation sa unang dalawang buwan ng 2026, na nananatiling pasok sa 2% hanggang 4% target ng pamahalaan para sa 2026 at 2027.

Ayon sa PSA, pangunahing nagtulak sa pagtaas ng inflation ang food at non-alcoholic beverages na umakyat sa 1.8% mula 1.1% noong Enero. Sa loob ng food basket, bumagal ang pagbaba ng presyo ng bigas sa 3.4% mula sa 8.5% na pagbaba noong nakaraang buwan.

Nagtala rin ng 3.5% inflation ang sektor ng housing, water, electricity, gas at iba pang fuels mula sa 3.3% noong Enero.

Samantala, umabot sa 2.9% ang core inflation noong Pebrero, bahagyang mas mataas sa 2.8% noong Enero.

Tumaas din ang presyo sa recreation at culture (4.3%), restaurants at accommodation services (4.4%), health (3.2%) at personal care (2.8%). | via Judea Bernardo, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *