F2F classes sa hapon, suspendido sa Manila

Dahil sa matinding init, sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang face-to-face classes sa hapon sa lahat ng pampublikong paaralan ngayong Biyernes, Marso 7, 2025.
Ayon sa Manila Public Information Office (MPIO), walang pasok mula preschool hanggang senior high school sa pampublikong paaralan sa hapon para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.
May face-to-face classes pa rin sa umaga sa pampubliko at pribadong paaralan. Pero nasa desisyon ng mga pribadong paaralan kung isususpinde rin nila ang kanilang afternoon classes.
Inaasahang aabot sa 43°C ang init bandang alas-dos ng hapon kaya’t pinag-iingat ang lahat! | via Lorencris Siarez | Photo via pna.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *