Ex-Sen. Bong Revilla, dinala sa Quezon City Jail Male Dormitory

Mabilis ang mga naging pangyayari para kay dating Senador Bong Revilla.

Mula sa pag-labas ng warrant of arrest ng Sandiganbayan hanggang sa pagdala sa kanya sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Barangay Payatas nitong Martes, January 20.

Lulan ng isang gray na van, diretsong pumasok sa loob ng Quezon City Jail Male Dormitory sa Barangay Payatas ang dating senador.

Dito muna mananatili si Revilla habang hinihintay ang arraignment at pre-trial ng kanyang kasong malversation of public funds na walang nirerekomendang piyansa.

Kaugnay pa rin ito sa maanomalyang flood control project sa Pandi, Bulacan.

Matatandaan na boluntaryong sumuko ang dating senador sa PNP Criminal Investigation and Detection Group sa Camp Crame kagabi matapos ang paglabas ng warrant of arrest laban sa kanya.

Inaantabayan pa rin ang pagdating dito nina dating DPWH engineers na sina Brice Hernandez, Jaypee de Leon Mendoza, Arjay Salvador Domasig at Juanito Coronel Mendoza.

Lahat ng mga nabanggit na personalidad ay inuugnay sa P92.8 million fully-funded flood control project sa Pandi, Bulacan na nadiskubreng isang ghost project pala.

Tiniyak naman ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology na walang mangyayaring special treatment kay dating senador Bong Revilla habang nananatili rito. | via Allen Ibañez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *