Ex-DPWH Usec. Cabral, posibleng nagpakamatay —PNP

Posibleng nag-suicide si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Maria Catalina Cabral, ayon yan kay PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez.

Natagpuang patay si Cabral noong December 18 matapos umanong mahulog sa bangin sa Kennon Road sa Tuba, Benguet.

Sa isang pahayag, sinabi ni Nartatez na ayon sa mga ebidensyang kanilang nakalap, lumalabas na posibleng nagpakamatay si Cabral.

Pero kanyang paglilinaw, hindi pa pinal ang resulta dahil patuloy pa ang imbestigasyon.

Ayon naman kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, lahat ng palatandaan ay tumuturo rin sa suicide.

Aniya, posibleng na-pressure si Cabral dahil sa malaking isyu ng katiwalian sa DPWH.

Si Cabral na nagbitiw sa pwesto noong September ay iniuugnay sa umano’y anomalya sa flood control at infrastructure projects. Mariin niyang itinanggi ang pagkakasangkot sa kickback scheme. | via Andrea Matias

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *