Ex-DPWH Sec. Bonoan, pinabulaanan ang pagtanggap ng P2.25-B kickback sa infra projects

Itinanggi ni dating Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan na nakatanggap siya ng mahigit dalwang bilyong pisong kickback mula sa mga proyekto ng pamahalaan.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon, binanggit ni Sen. Win Gatchalian ang affidavit ni DPWH Usec. Roberto Bernardo na inutusan umano siya ni Bonoan na magsumite ng listahan ng mga proyekto na maaaring isama sa national expenditure program.

Agad naman itong pinabulaanan ni Bonoan.

Kinuwestyon din ng senador kung paano nakalusot ang mga maanomalyang proyekto sa ilalim ng pamumuno ni Bonoan sa DPWH.

Matatandaang nagbitiw sa pwesto si Bonoan bilang kalihim ng DPWH matapos ilang beses na madawit ang kanyang pangalan sa umano’y anomalya sa flood control projects. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *