Ex-DPWH Sec. Bonoan, nangakong babalik sa Feb. 15 mula US

Humiling umano ng one-month extension si dating Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan para manatili sa Amerika, ayon sa Philippine Embassy sa Washington.

Ayon kay Ambassador Jose Manuel “Babes” Romualdez, nangako si Bonoan na babalik ng bansa sa February 15 para harapin ang mga alegasyong ibinabato sa kanya kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Nag-request umano si Bonoan ng isang buwan pang palugit para bantayan ang kanyang asawa na sumailalim sa isang eye operation, na aprubado naman daw ng Department of Justice.

Umalis patungong Amerika si Bonoan noong November 11 at unang nangakong babalik noong December 17.

Nasa ilalim ngayon ng isang Immigration Lookout Bulletin si Bonoan.

Kamakailan ay pinaratangan ang dating kalihim ng pagsumite ng maling datos sa Malacañang para malito ang mga nag-iimbestiga sa isyu. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *