Pinabulaanan ng kampo ng dating DPWH engineer Brice Hernandez ang ulat na binabawi na umano nito ang kaniyang testimonya hinggil sa mga maanomalyang flood control projects.
Ayon sa kaniyang abogado, walang katotohanan ang sinasabing recantation at handa silang linawin ang isyu sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa darating na January 19.
Samantala, iginiit ni Senator Panfilo Lacson, chairman ng Blue Ribbon Committee, na sisiyasatin nang mabuti ang usapin.
Nagbabala rin ito na ang sinumang bumawi ng sinumpang testimonya ay maaaring kasuhan ng perjury.
Nilinaw rin ng Department of Justice na wala pa silang natatanggap na anumang affidavit na magpapatunay na binawi ni dating DPWH District Engineer Henry Alcantara ang kaniyang mga naunang pahayag. | via Ghazi Sarip
